Miyerkules, Pebrero 15, 2012

balentayns

Balentaynsdey  kahapon.
Syempre punong puno ng mga nagmamahalan ang

mga mall, restaurant, park, motel at
iba pang lugar kung saan pwde magdate.


Namumukadkad ang lahat ng mga nagmamahalan
syempre balentayns nga eh.
Pero hindi porket balentayns ay wala ng karapatan
ang mga kabilang sa single's club na magsaya.


Kaya naman hindi lahat ng nasa single's club ay nagluluksa.
Ang ibang walang karelasyon ay nagsasagawa ng kanya-kanya nilang date
kasama ang mga malalapit sa puso nila, pamilya man o kaibigan.
Ang klase ng date na ito ay pwdeng tawaging group date or family date.




Ngayong taon ay kabilang ulit ako sa Single's Club
pero hindi ako nakipag-group or family date
hindi rin naman ako nagluksa o nagmukmok
Nagkaroon lang naman ako ng isang special date.


Special date kasi ispesyal ang ka-date ko.
1st time itong nagyari sakin sa balentayns
Kahit sino pwdeng makipagdate sa kanya bata man o matanda.
Kilala siya ng marami dahil sa kanyang kakaibang katangian.


Kahit kelan ay pwde mo syang i-date
basta't may ispesyal ka ng nararamdaman sa kanya.
Wala siyang pinipiling oras o panahon ngunit may pinipiling kundisyon,
wala rin siyang curfew kahit 24/7 mo siya kasama ok lang sa kanya.




Simple lang naman ang naging date namin.
Hindi kami umalis ng bahay.
Masaya na kami kahit dalawa lang kami
at least walang istorbo o sagabal.


Masarap makipagdate sa kanya.
Nababawasan ang problema at hinanakit mo.
Kahit kelan hinding hindi ka nya iiwan.
Hangga't kailangan mo sya anjan lang sya sa tabi mo.


Nagiging masaya ako tuwing nakaka-date ko sya.
Napapagaan nya ang pakiramdam ko
at syempre nabubuo nya ang araw ko 
dahil napaka-ispesyal nya sa buhay ko.


Siguro nagtataka na kayo kung sino nga siya?
Espesyal ang relasyon namin sa isa't isa.
Madami na bang bumabagabag sa isip nyo na pangalan?

Madaming tao ang umi-idolo sa kanya dahil isa syang alamat.



Gusto nyo na bang malaman?
Sigurado akong nagtataka na kayo ng sobra.
Wag kayong mabibigla pag nalaman nyo.
Hindi naman sya nakakagulat eh.


Kaya ang ka-date ko ay si.....


MANG DORO. :DDD

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento