Martes, Abril 3, 2012

pilak na tagumpay

araw na ng race.

hindi maipaliwag yung nararamdaman ko.

halo-halong emosyon ang nangingibabaw sakin.

masaya at excited ako pero

hindi ko maipagkakaila na andun pa rin yung takot at kaba.

unang beses ko kasi magre-race.

kahit drummer lang ako.

alam ko mabigat pa din yung responsibilidad ko.

pwde din kasi ako ang maging dahilan para matalo o manalo yung team.

kaya sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat wag ko lang maipatalo yung team.

women's crew ang una.

nabawasan na yung kaba ko ng sumakay nako sa bangka.

naging confident na ako kahit papano.

(Lane 1 La Salle B, Lane 2 Manila Ocean Park, Lane 3 Triton B)

2nd place ang women's crew namin sa 1st heat kaya pasok pa din kami sa semi-finals.

mixed na crew na. pagkatapos na pagkatapos ng women's eh mixed kagad.

kaya pagkababa ng bangka eh sakay na ulit. hihi.

unti unti ng nawawala yung kaba ko.

hindi pa din maipaliwanag yung nararamdaman ko.

(Lane 1  RCP Sea Dragons, Lane 2 Manila Ocean Park, Lane 3 La Salle B.)

at syempre tagumpay ulit kami.

1st place kami sa 1st heat ng mixed crew kaya grandfinals na DAW kagad.

pahinga na ako ng konti kasi hindi ako ang magdadrum sa men's.

pwde nako manuod at magcheer sa men's.

pero habang wala pa eh nakipagkwentuhan muna ako kenela sese, kenn, at shiela.

ilang minuto ang lumipas at ang men's crew na ng team namin ang lalaban.

andun ang tensyon habang pinapanuod mo sila.

malalakas kasi yung kalaban.

nabigo man kaming maka-1st or 2nd place sa men's eh andun pa din yung pag-asang makakapasok pa din kami sa semi-finals.

kasi lahat ng natalo ay maglalaban pa at kung sino ang mananalo dun ay pasok sa semi-finals.

pagkatapos na pagkatapos ng laban ng men's ay bumalik na kagad kami sa sasakyan.

dahil ilang sandali na lang ay lalaban na ulit ang women's para sa semi-finals.

SEMI-FINALS.

simula na ng semi-finals.

lalaban na ulit kami.

(Lane 1 Manila Ocean Park, Lane 2 Triton B, Lane 3 Onslaught Racing Dragons, Lane 4 La Salle B)

sobra akong nagulat sa hindi inaasahang pangyayari sa bangka habang nasa gitna ng laban.

biglang napigtal yung tali ng drum na gingamit ko.

kaya ginawa ko ang lahat huwag lang akong mahulog, huwag mahulog ang drum at ang pamalo ko dahil kung mahulog ako or yung drum or yung pamalo ay disqualified kami. kaya ngpakatataga ko at hindi nagpahalata ng bahagya sa mga teammates ko para walang mataranta kahit ako.

at syempre tagumpay ulit ang women's, hindi ko alam kung 1st or 2nd place kami sa semi-finals ang importante pasok kami sa grand finals.

sure na may bronse na kami. pero syempre gusto din namin mag.gold at magsiver kaya gagawin namin ang lahat ng aming makakaya.


pahinga ulit kami ng sandali dahil yung mga talo sa mixed at men's naman ang maglalaban.

pinuntahan ko muna sandali sila sese.

sobrang pagod na sila at gusto ng magpahinga kaya sabi ko na sge okelang kahit umuwi na kayo. para makapagpahinga na kayo.

pagkahatid na pagkahatid ko sa kanila eh lalaban na ulit kami sa mixed.

lahat ng teams na malalakas nakalaban namin sa semi-finals.

sabi nga ni coach "pang grand finals na tong line up na to."

antagal namin nghihintay kasi ang tagal ng pdrt.

kinakabahan ako lalo kasi yung bangkang ginamit namin ay yung bangkang gamit ko ng mapitgalan ng tali.

hindi ko alam gagawin ko. magdadrum bako o hindi?

kaya sabi na lang nila kuya rico na wag nko mgdrum. magbilang na lang ako at hawakan ang drum at humawag. para hindi mahulog.

ang tindi ng laban. nakakatakot. anlalakas ng mga teams.

hindi man kami pinalad na makapasok sa grandfinals.

alam namin na ginawa namin ang lahat.

GRAND FINALS.

sa women's na lang kami alaban ng grandfinals kaya lahat gagawin na namin.

ibubuhos na lahat ng lakas dahil last na.

sobrang amazing na laban to.

last na kasi.

sabi nila kami daw pinakakulelat tapos nung mga nasa 50 meters na atsaka lang daw kami humabol.

grand finals na nyan at ayaw namin umuwi ng luhaan kaya kahit kami mismo. ngmumurahan na at nagsisigawan.

dumating na yung point na hindi nako nagbibilang.

nagdadrum na lang ako at nagsisisigaw na "sipa, hab, sipa, haba," at kung ano ano pa.

hindi nga naman kami nabigo at naging 1st runner up pa kami.

masaya kami kahit isa lang ang nakuha namin atleast panalo pa din kmi.

matagal din daw nawala ang women's at ngayon na lang ulit naibalik kaya napakasaya ng buong team.

pagkatapos na pagkatapos ng race at bago ang awarding.

binigyan na namin ng award si coach!

at pagkatapos ay nagpahinga, kumaen, uminom at nagpicture picture!

dahil matagal tagal pa ang awarding, hindi na nakapaghintay.

binuksan na yung isang bote.

AWARDING!

may mga nagperform muna bago magawarding mismo.

at may mga games.

at syempre ang pinakahihintay ng lahat ay ang awarding mismo!

.

THE END!

masayang araw. 03.25.12

BEST TEAM EVER!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento